Way out

black-black-and-white-blue-dark-die-Favim.com-417756

Hindi ako makalabas kahit wala namang nakaharang. Hindi ako makaalis kahit wala namang pumipigil. At hindi ko kayang matapos kahit wala naman talagang nasimulan.

Ganun yata talaga ang stage ng moving on. A labyrith piece wherein you don’t know where to start or doesn’t even have a clue if your on the starting line at all.  Ang hirap hirap simulan ng isang bagay na hindi mo alam kung paano mo iiwan kahit alam mo non-existing na.

Wala na kayo. Habang ikaw nakatali parin sa ilusyon ng baka babalik siya at muli magsasayaw kayo sa himig ng pag-ibig. Hinahanap mo padin yung katiting na pag-asa na baka mahal ka padin niya. Nakatali ka padin sa mga alaalang hndi mo alam kung paano mo kalilimutan. At nakatali kapadin sa nag-iisang pangalan na nagbibigay kulay sa wala ng kwenta mong buhay.

Kung sana ganun lang kadaling putulin ang lahat. Kung sana may nakaimbento ng gunting n puputol sa lahat ng ilusyon, pag-asa at mga alaala nyo. Kung sana pagmulat mo hindi na pangalan nya ang una mong naiisip. Kung sana pwede ireset ang puso

Madali sana ang buhay.
Hindi sana masakit.
Wala sanang luha.

Puro sana. Pero lahat ng sana non-sense na kasi kahit anong tumbling at cartwheel mo, hindi yun ang realidad.

Masaya ka din naman diba?
Habang nererewind mo sa isip mo lahat ng masasayang memories nyo, monthsaries, anniversaries, birthday, christmas at lahat ng occasions niyo together. Habang binabasa mo yung 2471 conversation nyo sa phobe mo. Habang pinakikinggan mo ang themesong nyo habang tinitingnan ang super pda pictures nyo together while eating your favorite food. Ang sayang bumalik sa mga panahong masaya kayo. Kung pwede lang mag-stay dun. Kung pwede lang patigilin ang oras at mastranded nalang sa pinakamasaya niyong alaala. Kaso hindi. Habang iniisip mo yung mga pinagdaanan mo iiyak ka nalang, kasi maalala mo din na wala na siya.

Na iniwan ka na niya.

Na para ka lang balat ng mentos na itinapon sa kalsada matapos ubusin ang laman.

Ganun lang.

Pagkatapos ng lahat.

Ganun-ganun lang.

Ang lakas na ng sigaw sayo ng mundo na kalimutan mo na siya, nabibingi ka kasi alam mong hindi mo kaya.

Pilit kang kumakapit sa nakaraan. Siguro’y hindi ka umaasang may babalik ngunit sinarado mo na din ang pinto upang walang makapasok.

Bakit?

Dahil wala ka ng maibibigay, dahil isa kanalang katawan na nakatira sa nakalipas.

Isang buhay na walang buhay.

Isang mentos na walang laman.

Pizza at Beer

Yung relasyon namin before ay parang pepperoni pizza with bacon toppings pa habang umiinom ng malamig na beer, meaning close to perfect. Pero habang inuubos namin ang pizza at beer something went wrong. Hindi ko alam kung sino sa amin ang somobra ng kain o kung sino ang napaunti ng kuha kaya naubos ang laman ng kahon na may isang hindi nabusog. Hindi ko alam kung bakit mas unang lumamig yung beer nya dahil ba una nyang nilabas o dahil nalimutan kong lagyan ng yelo? Maraming tanong sa isip ko kung sino ba ang dapat sisihin, kung bakit hindi siya naging masaya at naging kontento sa meryenda naming yun. Pinilit kong gawan paraan. Inihanda ko na lahat ng maari kong ihanda ngunit kagaya ng lahat ng bisita sa isang piging aalis at aalis din sya.

Iniwan nya ko.

Iniwan nya ko sa gitna ng mga kalat na hindi ko alam kung paano ko sisimulang linisin. Sa gitna mga hugasing mahirap dayagib. Iniwan nya ko sa gitna ng mga pagkaing hindi ko kayang ubusin at sa gitna ng walang lamang kahon at walang lamig na mga bote.

Ang sakit, ang hirap ngunit kailangan kong puluting isa-isa ang dumi at kalat upang makapagimbita ako ng bagong bisita. Bakit hindi ko nalang sila imbitahin ngayon habang makalat pa para matulungan nila akong linisin ang madumi kong tahanan? Ngunit paano din kung hindi sila masayahan sa kanilang madatnan at bigla nila akong iwan? Madodoble lang ang sakit kaya’t pinilit kong gawin mag-isa.
Dumating ako sa puntong malapit ko ng matapos, naitapon ko na halos lahat ng dapat itapon. Hinugasan ang dapat hugasan. Kinain ang dapat kainin.

Ngunit may dalawa akong bagay na hindi ko maitapon ang kahon ng pizza at bote ng beer. Paano ko itatapon ang isang bagay na sobrang nagpabusog sakin? Ang pagkaing nagbigay sakin ng lubos na kasiyahan. Sobrang hirap itapon ng alaala na nagpapaalala sayo kung gaano kasarap kumain. Sobrang hirap kung umaasa ka padin na matikman mo uli.

Kahit isang meryenda lang.
Samahan mo ako.
Pizza at beer uli tayo.
Baka pwede?
Baka pwede ulit?

Lumabas ako at iniwan lahat ng kahihiyan sa bahay. Tinanong ko siya kung pwede. Pinaalala ko sakanya kung gaano kasarap kumain kasama ko. Pinaalala ko sakanya na paborito nya yun.

Tiningnan nya ko.

Tiningnan niya ko sabay kapit sa tiyan nya at tumugon “busog pa ko eh, at may iba na akong paborito”.

Shit.

Double shit.

Triple shit.

Ganun lang.

Ganun lang kadali sakanyang makahanap ng bagong paborito habang ako pilit pading hinahanap ng dila at panlasa ko ang ninamnam nito. Hindi padin natatapos sa pagkalam ang sikmura ko hanggang hindi ito muling natitikman.

Nakakamatay pala talaga ang gutom.